“There are wounds that never show on the body that are deeper and more hurtful than anything that bleeds.” 
― Laurell K. Hamilton
Alam kong madami kang pinagdadaanan ngayon. Madami kang problema, madami kang haharapin, madami kang gustong tapusin at madami pang madami. 

Siguro yung problema mo ay, hindi ka mahal ng mahal mo, hindi ka gusto ng gusto mo, nag-break kayo ng syota mo, nawala yung paborito mong laruan, na-erase mo yung importanteng file sa PC mo. 

Siguro nag-away rin kayo ng bestfriend mo, ng nanay mo, ng tatay mo pati na rin ang kapatid mo.

Siguro iniisip mo wala ng nagmamahal sa'yo, ayaw ka ng ibang tao, walang may gusto sa'yo at wala may pake sa'yo. Siguro iniisip mong panget ka.


Siguro hindi mo na kayang ihold-on ang feelings mo para sa kanya, lahat ng problema mo hindi mo nasasabi sa iba kaya nalulungkot ka. 


Siguro nga, iniisip mo na ngayon ay wala ka ng kwenta sa mundo. Mapapatanong na lang, 'Anong silbi ko dito? Palagi naman akong nasasaktan.' 


Alam mo ba na dun sa naisip mong yun at sa mga sigurong yan ay may nasasaktan din, naisip mo bang kapag feeling mo wala kang kwenta, nasasaktan din siya? Naisip mo ba na kung wala ka ng silbi dito sa mundong ito at magpapakamatay ka ay matutuwa ang lahat sa'yo? 


Lahat ng siguro nga at problemang iyan ay may rason. May rason yan kung bakit ito dumating sa ating buhay. Hindi ka naman niya bibigyan ng ganito kung alam niyang hindi mo kaya eh. Kaya magpakatatag ka sa mga bagay na gagawin mo, ginagawa mo at mag-tiwala sa mga bagay na nagawa mo na. 


Lilipas din naman yan eh, lilipas din ang sakit. Ang mga sakit na iyan ay mawawala rin at sabihin mo sa sarili mo na kaya ka nitong gawing mabuti, gawin mo itong aral at sabihin sa sarili na, 'Matatag ako.' 


Wag kang mawalan ng pag-asa sa buhay. Dapat sa ngayon ay taas noo kang nakikipag-usap sa Diyos, lumuhod ka at manalangin. Papakinggan ka nito at tutulungan. At sabihin sa iyong problema na mas malaki ang Diyos kaysa dito, loud and proud, chin up and breast out. 
12/16/2013 22:45:03

dsdsfdg

Reply



Leave a Reply.

    Astroo-Kiddo

    7 years old na naninirahan sa Velascoo. Sobrang isip bata at wala ng ibang ginawa kundi kumain ng pagkain. Ang pangarap naman nito paglaki ay maging masaya. Napaka-demonyo at wala ng ibang inisip kundi ang kanyang buhay.

    Archives

    April 2013

    Categories

    All