"Tama nga yung sinabi nila na wala ng kwenta ang wattpad."
--Secret
Sabi nila wala ng kwenta ang wattpad. Sabi nila sobrang ganda ng wattpad noon kaysa ngayon. Sabi nila wala ng kwenta ang wattpad. Sabi nila wala ng kwenta ang wattpad. Okay. Andaming kasing nagsasabi niyan. 


Wala na daw kwenta ang wattpad kasi ganito daw, ganyan, tapos yung isang author ganito, ganyan. Hahahaha. Natawa ako dun.


Medyo nag-agree ako dun sa sinabi na wala ng kwenta ito, medyo lang naman. Sa ibang parte ng wattpad medyo walang kwenta na nga ito, pero part of me, nagsasabing hindi.


Na-ngiti ako dun kasi nga dun sa wattpad na yun na-generalize sa part ko, okay. Isa akong reader sa Spanish, English, siyempre pati na rin ang Tagalog. Pero siyempre joke lang yung Spanish. Basic lang alam ko dun. May kwenta pa rin ang wattpad, try mong pumunta sa English at kung sawa ka diyan sa mga rants sa Wattpad Filipino ay i-try mo yun.

Sobrang nahuhumaling ako sa English stories, kahit na marami akong nakitang cliche doon parang wala lang sa kanila, parang may nakatatak doon na, 'Let them be.', 'I know.' Open-minded silang tao. Let's say some and hindi lahat. 

May isa akong account sa wattpad for English stories, nakikihalubilo din ako sa kanila, ang friendly nila. Ganun din naman tayong mga Pilipino. Pero noong naka-kita ako ng rant doon sa English sa wattpad, sobrang ayos hindi yung 'Ginawa ko itong rant and critic na 'to para sumikat.' 

Sa atin kasi, kahit sabihin nilang hindi nila ginawa yung rant na yun para sumikat halata namang famewhore ang dating eh, hindi mo alam kung ano ang pinagsasabi. In short, hate messages lang yung mga yun para sa mga authors. Hate message na nga, ang bulok pa ng style. Famewhore na famewhore.

Samantalang yung isang rant na nakita ko (which is nakalimutan ko na), minahal ng lahat, sa tingin ko nag-improve din yung author doon na sinabihan. Pfft. Sana ganoon lahat, alam kung ano ang pinuputok ng buchi, may point yung tipong may a-agree sa sinabi.

Tungkol naman dun sa mga nagrereklamo na walang kwenta ang wattpad bakit hindi niyo gawing mas maganda? Yung iba pa nga na nakita kong nagsabing walang kwenta ito ay isa naman sa puno't dulo.

Yung iba naman na nagsabi na walang kwenta ang wattpad kasi madaming rants, ay may nakapost din na rants sa kanilang profile. Ang matindi pa diyan, kung sino ang nagpopost ng rants, tagong tago ang katauhan, dapat kung may profile kayong ganyan, panagutan niyo, maging atapang na tao.

Hindi ko maintindihan. Hahahaha. Kung may ganyan na nangyayare, tinatawanan ko lang.

PS. 1st rant ko 'to. Hindi ako nag-rant sa wattpad. Partida, dito pa sa blog ko. Ayaw ko kasing makisabay sa uso. Napuno lang ako kaya dito ko nilabas. Pfft. Mga nagra-rant diyan, nakikisabay lang naman sa uso. Simula pa lang naman noon ay wala ng rant eh, nung may nag-rant, gawa gawa na din ng rant. Parang gwiyomi ang peg. -.-"
 


Comments

07/04/2013 3:21am

I agree, medyo nawawalan ng essence ang wattpad dahil sa ibang tagalog stories. Mahahalata mo na pare-pareho ang plot at yung iba madaling hulaan ang ending.

Truth is, 2010 pa ako member ng wattpad, but last year ko lang talaga naman na may tagalog stories pala. BUT ENGLISh stories, ay much more interesting kesa sa ibang tagalog.

Well that's just my opinion.

Isa pa... dahil nga may pagka-"CRAB MENTALITY" ang mga pinoy, kaya maraming nagra-rant na yung author ganito ganyan. Yung story niya ganito ganyan. medyo nakakasawang basahin at medyo nakakairita.

YUN LANG PO

P.S.
This are just my opinions.

Reply



Leave a Reply

    Astroo-Kiddo

    7 years old na naninirahan sa Velascoo. Sobrang isip bata at wala ng ibang ginawa kundi kumain ng pagkain. Ang pangarap naman nito paglaki ay maging masaya. Napaka-demonyo at wala ng ibang inisip kundi ang kanyang buhay.

    Archives

    April 2013

    Categories

    All